| salamat, salamat talaga! |
[Sep. 26th, 2006|11:21 am] |
| [ | ransak sa |
| | INK | ] |
| [ | nararanasan ang pagka |
| | nakahinga na kahit papano | ] |
| [ | nalulunod sa saliw ng |
| | first day love (mellow) | ] | ngayong unti- unti nang nababawasan ang mga pasanin at mga agam- agam, nais kong magpasalamat nang buong puso sa lahat ng tumulong, sumuporta, at walang sawang gumabay sa pagbuo ng aming pagtatanghal sa "adver"

asahan ninyo ang aking bukal sa pusong pagtulong kung kayo man din ay mailangan ng tulong sa inyong mga pagtatanghal! Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! |
|
|
| reciprocality kills |
[Sep. 13th, 2006|08:31 pm] |
| [ | ransak sa |
| | proyekto | ] |
| [ | nararanasan ang pagka |
| | tulong! | ] |
| [ | nalulunod sa saliw ng |
| | nobela ng join the club | ] |
 kung kayo ay nagulumihanan sa titulo ng aking lagda para sa ngayon wag kaung mangmba.. nais ko lamang ang temining iyan walang kinalaman sa mga mamumutawing salita
hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang mayroon sa'kin ako mismo sa'king sarili ay aminadong madalas kaming mag-away ng aking isip, puso, at minsan.. pakiramdam..
noon sa aking unang lagda.. nagpasya akong ibulalas ang laman ng aking puso at isipan..
maraming salamat sa mga nagbigay panahong basahin iyon sapagkat iyon talaga ang nilalaman ng aking buong pagkatao.. at isinulat ko iyon para talagang mabasa niyo..
..............................................................................
adver na sa darating na sabado.. halohalong emosyon ang aking nadarama.. 1. kaba 2. tuwa 3. ngarag 4. pag-asa 5. at marami pang iba..
sa mga kamag- aral naming nag- alok ng inyong mga tulong, MARAMING MARAMING SALAMAT
nawa'y itong pagtatapos ng mga ulat sa adver ay maging pintong magbubukas para sa bagong panimula na iikot sa madilim at masalimuot na mundong kinaroroonan natin sa kasalukuyan..
..............................................................................
muli salamat.. at kung kayo man ay may mga nais malaman, linawin, o kung ano pa man.. kung maaari ay inyo akong lapitan.. malugod akong makikinig at makikipag- usap sainyo..
"mahirap mabuhay.. kung ang puso ay puno ng hinanakit, pagmamalaki, at galit"
..............................................................................
" R E C I P R O C A L I T Y K I L L S "
 |
|
|
| ang unang lagda |
[Sep. 12th, 2006|02:21 pm] |
| [ | ransak sa |
| | ink | ] |
| [ | nararanasan ang pagka |
| | nagninilaynilay | ] |
| [ | nalulunod sa saliw ng |
| | epekto -dong abay | ] |

ito ang una sa lahat ng mga una dito sa talaan kong ito ito ang mukha ng puso ko ito ay ang bulalas ng aking isipan at ang sigaw ng aking mga litid
mga ilang linggo narin noong unang nagsimula ang lahat kung kailan ako ay nagpasya nang manahimik sa himlayang malayo sa lahat ng mga nabubulok na patay nais na sanang tuldukan ang napakahabang sanaysay ng isang silid na tanto naman ng lahat na patungo lamang sa walang hanggang karimlan wari'y hindi pa pinapahintulutan ng tadhana na mapatid ang delubyo delubyo sa kadahilanang hindi ito nais ng karamihan wari ko'y hindi naging sapat ang isang 'patawad' ako ay walang nais patunguhan nais ko lamang na matapos na ang lahat ako ay tumatangis ng lubos sa mga balitang naibulong ng hangin lakas loob akong nagbubuhos ng aking panaghoy dahil sa aking gunita ay matagal nang inuod ang problema wari ko ay nagkulang ang sangkatauhan.. kasama ang inyong lingkod nagkulang sa lakas ng loob na ibulalas ang sigaw ng puso at isip sa mga taong nakasakit.. gamit ang punyal na dila na tila'y mas malalim ang baon at hindi madaling maghilom at kung maghilom man ay mag-iiwan ng peklat nawa'y inyong maunawaan na ako ay nagugulumihanan sa lahat ng mga pangyayari nawa'y ako ay lapitan at kausapin dahil hindi lahat ng naibulong sa hangin ay kanyang lubos na narinig hindi ba magiging mas magaan ang lahat kung tayong lahat ay may kusa kusa na sulsihin ang wasak na seda ng pagkakaibigan nawa'y magsilbing pangaral ang lahat ng nangyari at nawa'y ikahon na at ilibing ang mga punyal upang sumibol na ang mga rosas at panghabang buhay na itong manatili sa sangkatauhan salamat at iyong sinilip ang bahagi ng aking puso at isip |
|
|